A. Panukalang Pahayag
Ang mga baguhang artista na mayroong kamag-anak na sikat na artista ay mas mabilis na nabibigyan ng pansin at oportunidad.
Ang mga baguhang artista na mayroong kamag-anak na sikat na artista ay mas mabilis na nabibigyan ng pansin at oportunidad.
B. Introduksiyon
Sentro ng kanilang pananaliksik ang mga kamag-anak ng artista na nagsisimula pa lamang sa industriya ng showbiz. Mas dumarami ngayon ang pumapasok sa showbiz na mayroong kadugo din na artista at nagiging daan ito upang mapadali silang makilala at magkaroon ng mga palabas.
Nakakatuwang isipin na silang mga baguhan at hindi pa sanay sa harap ng kamera ay nabibigyan ng magandang oportunidad sa industriya dahil lamang sa kanilang apelyidong hawak-hawak. Sa kabilang banda, ito ay hindi magandang tignan dahil nagbibigay ito ng impresyon sa mga tao na mas mahalaga ang koneksyon kaysa talento. Gumaganda ang takbo ng kanilang karera dahil sa mga proyekto na binibigay sa kanila, ang iba ay mas nagiging magaling pa sa paghahasa ng kanilang mga talento at ang iba naman ay umaasa na lamang sa magulang o kamag-anak na nagdadala ng kanilang kasikatan at ganda ng panlabas na anyo.
Ang pamilyang Pilipino ay lubos na malapit sa isa’t isa. Isa itong dahilan kung bakit na-iimpluwensiyahan nila ang bawat isa na kunin ang parehong propesyon na kinukuha ng kanilang kapamilya. Hanggang sa industriya ng showbiz bakas ang ebidensiya na ito. Mapapansin ng lahat na halos magkakamag-anak na ang napapanood nila sa telebisyon at sinehan. Hindi maiiwasang mapuna ng iba na ang karamihan ng artista sa industriya ay inuuna ang kanilang kadugo ng sa ganoon ay mabigyan ito ng agarang proyekto. O sa madaling salita, palakasan ang nangyayari.

C. Rebyu/Pag-aaral
Para sa rebyu na ito, mayroon silang nahanap na mga datos na makatutulong sa kanilang pananaliksik.
Philippine Entertainment Portal, may artikulo doon na may pamagat na “Most memorable child star”. Nakasaad sa artikulo na ito ang mga magagaling na batang aktor at aktres. Kasama rito ang isang bata na may ka-ugnay sa kanilang pananaliksik.
Pinoy hot news, partikular na ang artikulo na ginawa ni Juan In. Tungkol ito sa kambal na anak nila Zoren Legaspi at sa mga ineendorso nila sa telebisyon.
Yes! Magazine, isa sa mga tanyag na showbiz magasin sa bansa, ang naggawad ng award sa isa sa mga sakop ng aming pananaliksik.
Wikipedia, Internet Movie Database, Celebritying.info, Starmometer.com, sa mga site na ito. Makikita ang personal na impormasyon ng mga artista, pati na rin ang mga palabas na binilangan at mga parangal na napanalunan ng mga ito.
D. Layunin
Layunin ng pananaliksik na ito ang ma-ipakita sa mga mambabasa ang kaugalian ng mga Pilipino pagdating sa pamilya. Makikita dito kung meron nga bang namamana ang mga anak ng artista sa kanilang mga magulang o kamag-anak pagdating sa pag-arte.
Layunin ng pananaliksik na ito na hamunin ang mga anak ng artista upang mapabuti ang kanilang trabaho, na kailangan silang magustuhan ng mga tao hindi dahil sa kanilang mga magulang kundi dahil sa kanilng taglay na galing.
Layunin ng pananaliksik na ito na maipakita din kung may epekto nga ba sa panunuod at pagsubaybay ng masa kung ang pinapanuod nila ay ang mga sumusunod sa yapak ng kani-kanilang mga idolo.
Layunin ng pananaliksik na ito na imulat ang mata ng karamihan na hindi lahat ng artistang kamag-anak ng dating sikat na artista ay walang angking talento dahil karamihan sa mga ito ay sumisikat dahil na rin sa kanilang galing sa iba’t ibang talento.

E. Halaga
Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat makatutulong ito sa mga taong gusto ring mag-artista upang lumakas ang kanilang loob na pumasok at subukan ang kanilang galing sa pag-aartista at upang hindi masira ang kanilang loob dahil sa mga baguhang artista na anak ng mga kilala na mga aktor at aktres.
Maaari itong maging tulay upang malaman ng mga anak ng artista na hindi lamang mundo ng pag-arte, pagkanta o pagsayaw sa harap ng kamera ang kanilang pwedeng pasukan.

Hinahamon din ng mga mananaliksik ang mga anak o kamag-anak ng mga beteranong artista na magpursige sa pagtatrabaho at makakuha ng inspirasiyon sa mga ibang artista na naghirap upang matamasa ang tagumpay na kanilang tinatamasa.
Mahalaga ang pananaliksik na ito subalit mapapatunayan na kahit saang anggulo tignan, pamilya pa rin ang unang prioridad ng mga Pilipino. Mapapansin rin na malaki ang impluwensiya ng kapaligiran sa desisyon mo batay sa propesyon na nais mong kunin.

F. Konseptuwal na Balangkas
Ang pananaliksik na ito ay nagsimula sa mga anak ng artista na sa murang edad pa lamang ay nagsimula ng lumabas sa telebisyon at mga sinehan. Sa pagtalakay na ito nakapaloob ang mga iba’t ibang mga nagagawa at kakayahan ng mga batang artista na nakakapasok sa industriya dahil na rin sa kanilang kamag-anak na artista gaya ng pag-arte sa mga serye sa telebisyon at pelikul at pag-eendorso ng iba’t-ibang mga pangunahing produkto. Tinalakay dito ang mga personal na impormasyon tungkol sa kanila gaya ng tunay na pangalan, mga magulang at lugar ng kapanganakan. Kasama din ang mga nagawa nilang mga palabas sa loob at labas ng sine. Mababasa rin ang kanilang mga nominasyon at parangal sa kani-kanilang mga nagawang mga proyekto.
Ikalawang tinalakay ng mga mananaliksik ay ang mga kamag-anak ng artista na tumatanggap ng mas malalaking pagganap sa telebisyon at pati na rin sa mga pelikula. Kagaya ng naunang tinalakay, pinag-usapan rin dito ang mga personal na impormasyon tungkol sa mga artistang mababanggit kagaya ng kung ano ang kanilang tunay na pangalan, lugar ng kapanganakan, kung sinu-sino ang mga magulang nila o kamag-anak sa industriya at iba pa. Tinalakay dito kung paano nagsimula ang mga artistang pag-uusapan, kung paano nila ginampanan ang mga proyekto na ipinagkatiwala sa kanila at kung nagtagumpay ba sila dito sa pamamagitan ng pagkagat sakanila ng masa, pagtanggap ng isang parangal o nominasyon man lang para sa mga proyektong ito. Tinalakay din dito ang mga proyektong kanilang nagawa, isa man itong serye sa telebisyon o pelikula na maaari ding maging batayan sa pagtangkilik sa kanilang masa.
G. Metodolohiya
Gagawin nila ang pananaliksik sa pamamagitan ng mga sumusunod: pagbabasa ng mga artikulo o kolum sa mga magazine, paghanap sa internet ng mga isyu na may kinalaman sa aming paksa, at gagawa ng surbey.
H. Saklaw at Delimitasyon
Ang saklaw ng kanilang pananaliksik ay ang malaman ang epekto ng pagiging anak ng isang dating artista. Nais ring ipakita ang pag-usbong ng mga oportunidad para sa kanila sa tulong na rin ng kanilang pangalan. Kasama rito ang buhay nila bago sila pumasok ng showbiz pati na rin ang maikling kwento ng buhay nila. Kasama ang mga proyektong ginawa nila at ang mga nominasiyon at parangal na iginawad sa kanila.
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa loob ng isang buwan para sila ay magkaroon ng sapat na oras para makakalap ng datos. Maghahanap rin sila ng iba’t ibang paraan kung paano mapatutunayan na malaki ang epekto ng kasikatan ng kanilang magulang kaya sila ay nagkaroon ng magandang oportunidad ngayon.
Hindi sakop ng pananaliksik na ito ang mga napagdaanang problema ng mga babanggiting artista. Ang kanilang buhay sa labas ng showbiz ay hindi sakop ng pananaliksik na ito.

I. Daloy ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakasentro sa mga kamag-anak ng dating artista na nabigyan ng magandang oportunidad sa larangan ng industriya ng Pelikulang Pilipino. Marami na ang sumikat sa showbiz at ang iba sa mga ito ay nagkaroon ng mga kamag-anak na sumunod sa kanilang yapak tulad ng pamilya Gutierrez, Eigenman at Quizon. Mayroong magagaling at mayroon din namang hindi magaling na sumikat.
Sa pananaliksik na ito ay tatalakayin ang mga batang artista na sumikat, ang mga magagaling na artista at ang hindi magagaling na artista. Ipapakita rin na ang iba sa mga ito ay nabigyan lamang ng magandang oportunidad dahil sa dala-dalang pangalan. Ang kanilang pagtalakay ay base sa opinyon ng iba't ibang tao at base na rin sa mga magazine at internet.
Kanilang tatalakayin ang dahilan na sa pangalan ng pamilyang kinabibilangan ng mga batang babanggitin, naging madali para sa kanila ang mabigyan ng oportunidad para maging kilala o sumikat.
Kasama rin sa pananaliksik na ito ang iba sa magagaling na artista sa henerasyon ngayon pati na rin ang mga gantimpalang kanilang natanggap.

II. Mga Baguhang Artista na Mas Nabigyan ng Oportunidad
A. Introduksiyon ng Paksa
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga anak o kamag-anak ng isang artista na nais ding sumabak sa industriya ng showbiz. Sa pananaliksik na ito gusto nilang ipakita na ang mga artistang iyon ay mas nabibigyang oportunidad kaysa sa mga normal na taong nag-aasam sumikat, dahil alam ng lahat na kabilang ito sa isang kilalang pamilya ng mga artista.
Tatalakayin din nila ang mga child star at ang mga teenage star, kung magaling ba sila umarte o hindi, at kung karapat-dapat ba sila sa mga oportunidad na binibigay sa kanila.
Ipapakita rin dito ang mga artistang magagaling kung kaya't sila ay nabigyan ng magandang oportunidad. Hindi lamang dahil sa kanilang dala-dalang pangalan kung bakit maganda ang takbo ng kanilang mga karera kung hindi dahil sila ay nagtataglay ng angking talento.
B. Batang bata ka pa
Si Vandolph Quizon ay anak ng “Hari ng Komedya” na si Dolphy kay Alma Moreno na isa ring sikat na sikat na aktres. Sa kasalukuyan, si Vandolph ay masayang kasal sa kanyang maybahay na si Jenny Fernandez na dati ring isang artista. Noong bata pa ay lumabas sa maraming pelikula at serye sa telebisyon kadalasan ay kasama ang kanyang ama:
Balimbing: Mga taong Hunyango (1986)
Wanted Bata-Batuta (1987)
Wanted Bata-Batuta (1987)
Enteng, the dragon (1988)
Espadang patpat(1990)
TV series na Home Along da Riles (1992)
TV series na Home Along da Riles (1992)
Home Along da Riles (1993)
Hataw Tatay Hataw (1994)
Boy, Walang Matigas na Tinapay Sa Mainit na Kape (1994)
Home Along da Riles 2(1997)
Pakners(1997)
Antonio Sto. Domingo (1998)
Totto Tataynic (1998)
Pintados (1999)
Hataw Tatay Hataw (1994)
Boy, Walang Matigas na Tinapay Sa Mainit na Kape (1994)
Home Along da Riles 2(1997)
Pakners(1997)
Antonio Sto. Domingo (1998)
Totto Tataynic (1998)
Pintados (1999)
Noong 2000 naman, biglang nanamlay na ang kanyang karera at nagkaroon na lamang ng mga pasulpot-sulpot na mga proyekto at ito ang mga ilan dito:
Home Alone da Riber (2002)
Home Along da Airport (2003)
Quizon Avenue (2005)
John en Shirley (2006)
Palos (2008)
Guiseppe (2008)
Home Along da Airport (2003)
Quizon Avenue (2005)
John en Shirley (2006)
Palos (2008)
Guiseppe (2008)
Mga nominasyon:
FAMAS Best Child Actor Father & Son (1995)
FAMAS Best Child Actor Espadang patpat (1990)
FAMAS Best Child Actor Wanted Bata-Batuta (1987)
Parangal:
FAMAS Best Child Actor Enteng, the Dragon(1988)
FAMAS Best Child Actor Enteng, the Dragon(1988)
Si Matet De Leon ay ampon ng “Superstar” na si Nora Aunor at ng sikat at magaling na aktor na si Chriostopher “Boyet” De Leon. Sa kasalukuyan, siya ay masayang kasal at nag-aalaga ng kanyang dalawang anak na babae. Si Matet ay nagpakitang gilas sa pag-arte noong dekada-80. Noong kanyang kabataan kasabayan ang mga magagaling na artista sa pelikula at telebeisyon. Marami ang humanga sa kanyang hatak sa masa dahil na rin sa kanyang malakas nyang dating at magaling na pagpapasaya sa mga manunuod.
Nakilala siya sa maraming pelikula, mapa “horror”, “comedy” o “drama man ito. Tumatak sa mga isip ng manunuod ang katagang “Takot ako!” na kanyang binanggit sa isang “horror” na paelikula. Noong kanyang kapanahunan, siya na ata ang pinakasikat na batang artista kabilang ni Aiza Seguerra na naging artista dahil sa isang patimpalak.
Ang mga sumusunod ay ang mga naging pelikula at serye sa telebisyon na pinaglabasan ni Matet noong dekada-80 kung saan siya ay bata hanggang sa kanyang pagtanda:
You Changed My Life (2009)
A Very Special Love (2008)
"Komiks" (1 episode, 2006)
Bunsong Kerubin (2006)
"Tabing ilog" (2000)
Honey (2003)
Till There Was You (2003)
Jean Cass & Cary: Who Wants to Be a Billionaire? (2002), aka Cass & Cary
May pag-ibig pa kaya? (2002)
Abakada... Ina (2001)
"Sa dulo ng walang hanggan" (2001)
Pangarap ng puso (2000)
"Hati-hating kapatid" (2000)
Shake, Rattle & Roll VI (1997)
Mama, dito sa aking puso (1997)
Magic to Love (1989)
Twinkle Tiyanak (1988)
One day, isang araw (1988)
1 + 1 = 12 + 1 (1987)
Tatlong ina, isang anak (1987)
Takot ako eh! (1987)
Bunsong kerubin (1987)
BoboCop (1987)
Halimaw sa banga (1986)
I Love You Mama, I Love You Papa (1986).
Sa sitwasyon ni Matet, pinatunayan niyang hindi palakasan ang dahilan kung bakit madali niyang napasok ang industriya, pinatunayan niyang sa murang edad pa lamang ay kaya niyang makipagsabayan sa mga sikat at magagaling na artista sa kabila ng kanyang pagiging bagito sa industriya. At dahil dito nakakuha siya ng mga nominasiyon at parangal sa mga palabas na kanyang nagawa.
Mga nominasyon:
FAMAS Best Child Actress, Mama, dito sa aking puso (1997)
FAMAS Best Child Actress, Magic to Love (1989)
FAMAS Best Child Actress, Bunsong kerubin (1987)
Parangal:
Best Child Actress One day, isang araw (1988).
Best Child Actress One day, isang araw (1988).
Hindi lang sa pag-arte nabibigyan ng atensyon ang mga anak ng mga artista. Kung bubuksan mo ang telebisyon ngayon, halos pare-pareho lang ang makikita mo na nag-eendorse ng produkto lalong lalo na ang mga bata.
Isa rito ang mga anak ng gwapo at magaling na direktor at aktor na si Zoren Legaspi at meztisang aktres na si Carmina Villaroel na sina Maverick at Cassandra Legaspi na ipinanganak sa Las Vegas, Nevada USA .Sa murang edad, nakagawa na ng maraming komersyal ang mga supling ng sikat na mag-asawa kagaya ng pag-eendorso ng gatas (Lactum), toothpaste (Colgate) at Ice cream (Selecta). Sila rin ay lumitaw na sa ilang pahina ng magazine dahil na rin sa kanilang pagka-bibbo. Malinaw na kapag alam ng publiko na anak ng isang artista ang asa komersyal, mas nahihikayat na subukan ang produkto ng mga mamimili. Ayon sa Pinoy Hot News, “We can notice how successful Carmina Villarroel with her family most especially her two kids Mavy and Cassy having multiple TV commercials. Their latest product endorsement was this Bioderm Family Germicidal Soap that for sure it will increase the sales of the company because the family was very effective as endorsers.”(Juan In).
Isa pa sa sikat na taga endorso na batang artista ay anak ng sikat na sikat at prangkang aktres at TV Host na si Kris Aquino at ang manlalaro ng basketball team na Purefoods Giants na si James Yap na si James Yap Jr. Na kilalang-kilala sa tawag na “Baby James”. Hindi pa ipinapanganak si baby James, sikat na sikat na siya marahil dahil sa kanyang ina na si Kris Aquino. Kasama ang kanyang sikat na mommy, si baby James ay nakaktulong na rin upang mapalago ang kanyang hinaharap sa pamamagitan ng pag-eendorso ng mga sikat na produkto ng gatas at diaper. Marami ang nakakapansin na kapag ang sikat na anak ng isa ring sikat na personalidad sa industriya ang nag-eendorso sa kanilang produkto ay isang malaking bagay upang mapataas at mapaganda ang takbo ng kanilang benta sa buong bansa.
C. Iba sa Tinuring na Magaling na Artista sa Henerasyon Ngayon
Maraming artista sa panahon ngayon na sumusunod sa yapak ng kanilang mga kapamilya. Karamihan sa mga ito ay may potensiyal upang pasukin ang showbiz. Iba't ibang talento ang kanilang tinataglay kung kaya't magaganda ang mga inaalok na proyekto sa kanila. Kaya rin sila binibigyan ng magandang mga proyekto dahil tiwala sa kanilang galing at tiwala sa kanilang kakayahan bunga na rin ng binigay na pagtiwala sa mga kamag-anak nilang dating nag-artista.
Ang mga mananaliksik ay nagtanong-tanong sa mga kakilala upang hingin ang kanilang mga opinyon kung tunay ngang magaling ang mga artistang aking napili. Sina Sid Lucero na anak ni Mark Gil, Alessandra de Rossi, at ang magkakapatid na Gutierrez-Ruffa at Richard.

Marami pang nasa showbiz ang mayroong kamag-anak din ngunit sila ay magsesentro sa mga magagaling umarte. Ang mga artistang kanilang nabanggit ay mga naging epektibo sa iba't ibang papel na kanilang ginampanan kung kaya naman marami ang natuwa sa bawat pagganap na kanilang ginawa.
Si Sid Lucero ay anak ng aktor na si Mark Gil kay Bing Pimentel na dati rin namang artista. Siya ay si Timothy Mark Eigenman sa totoong buhay.
Ginamit niya ang pangalan niya ngayon dahil ito ay may ginampanang importanteng papel sa buhay ng kanyang ama, Sid Lucero ang dating pangalan ni Mark Gil sa isa sa kanyang naging pelikula kung saan nagkakilala at nagka-ibigan ang kanyang mga magulang.
Nagsimula siya sa showbiz bilang tagapag-endorso ng BPI Express Cash, Chippy, Globe Telecom at Shakey's habang siya ay nag-aaral pa sa Ateneo de Manila University upang makapagbayad ng kanyang matrikula sa kolehiyo. Ngunit hindi rin naging sapat ang kanyang kinikita upang matustusan ang kanyang pag-aaral kung kaya't siya ay humingi ng tulong sa kaibigan ng kanyang ama na si Ricky Gallardo para matulungan siya sa tuluyang pagpasok sa industriya ng showbiz.
Sa umpisa ay nais lamang niyang mag-artista dahil sa kikitaing pera, ngunit nang siya nagsimula ng sumali sa iba't ibang workshop ay dun niya napagtanto na mahal na niya ang ginagawa niya. Nagsimula siya noong taong 2004 sa palabas ng GMA na "Hanggang Kailan" kasama sina Lorna Tolentino at Christopher de Leon. Kasama rin siya sa "Sugo ng Kadiliman" sa ABS-CBN's Krystala sa kaparehang taon.
Tuluy-tuloy ang mga proyektong binigay sa kanya dahil pinabilib niya ang karamihan sa angking talento niya. Pinatunayan niya sa maraming tao na siya ay sumikat hindi lamang dahil sa pangalang kanyang dinadala kundi dahil pinatunayan niyang siya ay isa sa mga magagaling na artista sa ating henerasyon.
Ang mg proyektong ginawa ni Sid ay ang mga sumusunod:
Krystala (2004)
Etheria (2005)
Donsol (2006)
Komiks (2006)
Siquijor: Mystic Island (2007)
Tagapagligtas (2007)
Tukso (2007)
Kwento ni Lola Basyang (2007)
Kokey (2007)
Prinsesa ng Banyera (2007)
Tambolista (2007)
Batanes (2007)
Selda (2007)
Ligaw na Bulaklak (2008)
Kung Fu Kids (2008)
Manay Po 2:Overload (2008)
Flash Bomba (2008)
Bulong (2008)
Aurora (2009)
Independencia (2009)
Mga parangal na kanyang natanggap:
Nomination for Best Actor, 2007 FAP Award
Best Actor, Gawad Urian 2008
Nominated for Best Actor, 2007 Gawad Urian Awards
2007 Breakthrough Performance by an Actor, Golden Screen Award
2008 Best Actor, Thessaloniki Film Festival
Si Ruffa Gutierrez ay anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na dati ring artista. Sharmaine Ruffa Rama Gutirrez-Bektas sa totoong buhay ay nagsimulang mag-artista noong dalaga pa siya.
Siya ay isang aktres, model at beauty queen. Siya ay tinanghal na Bb.Pilipinas-World noong 1993 at naging 1st Runner-up sa Miss World.
Mayroon siyang nagawang humigit kumulang limampung pelikulang nagawa. Marami ang napahanga sa kanyang talento dahil napaka-epektibo ng kanyang pag-arte. Si Ruffa ay kasalukuyang gumaganap sa isang teleserye at naghohost ng mga talk show sa ating bansa.

Ito ang mga naging proyekto ni Ruffa:
Eat Bulaga (1979)
I Love You 3x A Day (1982)
That’s Entertainment (1986)
Lahing Pikutin (1987)
Sheman: Mistress of the Universe (1988)
Me and Ninja Liit (1988)
Si Malakas at si Maganda (1989)
Huwag Kang Hahalik sa Diablo (1989)
Last Two Minutes (1990)
Tora Tora, Bang Bang Bang (1990)
I Have 3 Eggs (1990)
Lover’s Delight (1990)
Island of Desire (1990)
Lessons in Love (1990)
Kahit Buhay Ko (1992)
Kahit Buhay Ko (1992)
Shotgun Banjo (1992)
Hulihin: Probinsiyanong Mandurukot (1993)
Maricris Sioson Story - Japayuki (1993)
Bakit Pa Kita Minahal (1994)
Shake Rattle & Roll V (1994)
Loretta (1994)
Lab kita... Bilib ka ba? (1994)
Bakit Pa Kita Minahal (1994)
Halik (1998)
Habang Kapiling Ka (2002)
Kokey (2007)
Desperadas (2008)
My Monster Mom (2008)
I Love Betty La Fea (2008)
Ruffa and Ai (2009)

Si Richard Gutierrez ay anak din ng dating artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Siya ay si Richard Kristian Rama Gutierrez sa tunay na buhay. Pinanganak siya sa California ngunit dito sa Pilipinas lumaki.
Si Richard ay mayroong kakambal na kasabayan niya sa lahat ng proyekto noong sila ay bata pa. Nagsimula siya sa pag-aartista noong siya'y bat. Lumabas muli siya sa harap ng telebisiyon sa palabas na "Click" ng GMA. Umani siya ng kasikatan sa buong bansa dahil sa galing niyang umarte. Nagkaroon pa siya ng maraming proyekto hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang lahat sa mga naging proyekto ni Richard:
Lahing Pikutin (1987)
One Two Bato Three Four Bapor (1988)
Juan Tanga, Super naman, at ang Kambal na Tiyanak (1988)
Love Boat (1989)
Feel na Feel (1989)
Mga Batang Pikutin (1990)
Bikining Itim (1990)
Ikaw lang ang mamahalin (2001)
Click (2001), Beh Bote nga (2001)
Habang Kapiling ka (2002)
Bakit Papa? (2002)
Love to Love: Made for each other (2003)
Love to Love: My 1, 2 Love (2003)
Mano po 2: My Home (2003)
Nuts Entertainment (2003-2007)
Mulawin (2004)
Kuya (2004)
I will Survive (2004)
Sigaw (2004)
Kakabakaba (2004)
Let The Love Begin (2005)
Mars Ravelo's Captain Barbell (2005)
Sugo (2005)
Mulawin The Movie (2005)
SOP (2005-2008)
Lupin (2006)
Mano Po 5: Gua Ai Di (2006)
I Will Always Love You (2006)
Signos (2007)
Carlo J. Caparas’ Kamandag (2007)
The Promise (2007)
Full Force of Nature (2008)
Codename: Asero (2008)
My Monster Mom (2008)
My Best Friend's Girlfriend (2008)
For the First Time (2008)
When I Met U (2009)

Kahit walang mga nominasyon at parangal na natanggap umani siya ng kasikatan sa buong bansa dahil sa galing niyang umarte at taglay na kagwapuhan. Sa kasalukuyan, hindi pa rin mabilang ang mga taong humahanga sa kanya at patuloy pa rin ang paggawa niya ng mga proyekto na tiyak na magugustuhan ng masa.
Si Alessandra De Rossi na kapatid ng sikat at magaling na aktres na si Assunta De Rossi. Alessandra Schiavone De Rossi ay ang kanyang tunay na pangalan. Isa siyang kalahating Italyana at kalahating Filipina. Sa edad na 16, nakatanggap na ng parangal si Alessandra sa pelikulang "Ang mga munting Tinig".
Sabi ng karamihan, nalamangan na niya ang kanyang ate na si Assunta sa maraming aspeto ng pag-aartista. Si Alessandra ay nakilala sa magaling nyang pagganap sa maraming kontra bidang karakter. Siya ay gumanap na sa maraming serye sa telebisyon at ito ang mga ilang dito:
Gimik (1998)
Cyberkada (1998)
Click (1999)
Kool Ka Lang (2001)
Kung Mawawala Ka (2001)
Darna (2005)
Etheria (2005)
Encantadia (2006)
Pag-ibig Hanggang Wakas (2006)
Super Twins (2007)
Pasan Ko Ang Daigdig (2008)
Kamandag (2007-2008)
I love Betty La fea (2008)
Pieta (2008)
Mars Ravelo's Presents Dragonna (2008)
Tayong Dalawa (2009).
Nagkaroon din siya ng mga pelikula at hindi niya binigo ang mga manonood sa kanyang taglay na galing sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga nagawang pelikula ay ang mga sumusunod:
Azucena (2000)
Hubog (2000)
Pakisabi na lang...Mahal ko siya (2002)
Mga Muniting tinig (2002)
Message Sent (2003),
Mano Po 2: My Home (2003)
Homecoming (2003)
Astigatism (2004),
Spirit of the Glass (2004)
The Maid (2005)
Kutob (2005)
Hide and Seek (2007)
One Night Only (2008).
Dahil sa kahanga-hangang pagganap sa mga kanyang karakter na kanyang mga ginanapan, naging nominado at binigyang pansin si Alessandra ng ilan sa mga sikat na mga "award giving bodies" at ito ang mga parangal na nakuha ni Alessandra na nominasyon:
FAMAS Best supporting Actress, Kutob
FAMAS Best Supporting Actress, The Cory Quirino Kidnap: NBI Files
Gawad Urian Best Actress, Mga Munting Tinig
Gawad Urian Best Supporting Actress
Hubog at Gawad Urian Best Supporting actress, Azucena
Mga Parangal:
FAMAS Best Supporting Actress
Kutob at German Moreno-Youth Achivement Award.
Sa henerasyon ngayon, si Alessandra ay itinuturing na isa sa mga pinakamagagaling at dekalibreng mga batang artista dahil sa taglay niyang galing at husay na pagganap sa bawat karakter na kanyang ginagampanan. Sa tingin ng marami, maaaring makamit ni Alessandra ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayong panahon.
D. Onting praktis pa anak
Ang mga anak o kamag-anak ng artista ay naghahangad na sundan ang yapak ng kanilang mga magulang o nakatatandang kamag-anak. Sila rin ay nangangarap na magingmalalaking personalidad sa larangang kanila ring tinahak. Lubos nating mapapansin na ang lakas ng dugo ay isang makapangyarihang susi sa pagiging artista kahit nahindi sila nagtataglay ng talento at kahusayan. Sapat na ang kanilang pangalan para makuha ang atensyon ng mga manonood. Sa pagkakataong ito nagkakaroon ng mgabagong artistang walang angking talento at kagalingan sa pag-aarte ngunit sa ibang aspeto naman ng entertainment sila umaarangkada. Subalit mayroong mga iba rin na panlabas na anyo at pangalan lamang ang puhunan.
Samakatuwid, hindi nila nakukuha ang malugod na suporta at tiwala ng mga masusugid na manunuod kaya nawawalan sila ng kinang at kasikatan.Ito marahil ang nagiging malaking hamon sa mga nakababatang artista na paghusayan ang kanilang trabaho at ipakita na karapat-dapat silang bigyan ng palakpak atpapuri upang matumbasan o mahigitan ang napatunayan na ng kanilang mga beteranang mga kamag-anak.

Si Luis Manzano, Luiz Philippe Santos Manzno ay anak ng gobernador at "Star for All Seasons" na si Vilma Santos at ang primyadong aktor na si Edu Manzano.
Kinikilala si Luis sa ABS-CBN 2 at nabibigyan ng maraming proyekto. Siya ay nag-aral sa De La Salle University- College of St. Benilde sa kursong BS-Hotel Restaurant and Institution Management.
Nakabilang siya sa mga pelikula at palabas na "Ang Cute ng Ina Mo" at "All About Love". Marami rin siyang mga ineendorsong produkto. Sa ngayon, siya ay isang "VJ" sa "MYX", kabilang sa "Entertainment Live" at "ASAP" at gumaganap bilang pangunahing aktor sa "Komiks Presents: Flash Bomba."
Walang masasabi sakanyang pagdala ng isang "Talk Show" ngunit marami ang kumekwestyon sa kanyng husay at talento sa pag-arte. Patuloy ang kanyang pagsikat at pamamayagpag sa telebisyon at pelikula ngunit kulang pa rin ang pinapakita niyang kagalingan sa larangan ng pag-arte kaya hindi pa rin niya matumbasan ang nagawang marka ng kanyang mga magulang.
Siya rin ay nakatanggap ng maraming parangal sa larangan nag pagho-“host”. Ito ay ang mga sumusunod:
2003 PMPC Star Awards for TV "Best Male New TV-Personality" (ASAP)
2004 PMPC Star Awards for TV "Best Talent-Search Program Host" (Star Circle Quest Kids & Teens) with Jodi Sta. Maria-Lacson
2005 PMPC Star Awards for TV "Best Talent-Search Program Host" (Star Circle National Teen Quest) with Jodi Sta. Maria-Lacson
2006 PMPC Star Awards for TV "Best Male TV-Host" (ASAP '06)
2008 PMPC Star Awards for TV "Male Star Of The Night"
Si Krista Ranillo ay ang panganay na anak ng mahusay na aktor na si Matt Ranillo at ang kanyang asawang si Lindi Tupaz.
Ayon sa isang site sa “internet”, tinanggihan niya ang maraming alok ng Viva at Regal films dahil nais niyang ituon ang kanyang pansin sa kanyang pag-aaral. Siya ay nag-aral at nagtapos sa Ateneo de Manila University sa kursong Interdisciplinary Studies kung saan siya ay naging Dean’s lister ng ilang taon.
Nagbalik-telebisyon si Krista na mas mapangahas at mas "sexy" sa pagiging modelo ng isang kilalang magasin. Pumatok sa mga mata ng tao ang kanyang alindog at hubog ng katawan. Ito ang naging daan upang makuha siya ng ABS-CBN 2 na magbida sa panghapong drama seryeng "Pieta" katambal si Ryan Agoncillo.
Ngayon pa lamang niya na-ipapakita ang kanyang kahusayan bilang artista at nabigyan ng malaking pagkakataon na mapamahal sa mga manunuod kaya hindi pa niya nakakamit ang lubos na kasikatan. Kung mapapatunayan pa niya na mayroon siyang ibubuga, tiyak na makakamit niya ang rurok ng tagumpay bilang aktres.
Si Kc concepcion, sa tunay na buhay ay Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion Pangilinan, siya ay anak nina "Mega Star" Sharon Cuneta at ang nagbabalik na aktor na si Gabby Concepcion.
Siya ay nag-aral sa American University of Paris sa kursong International Corporate Communications minor in theatre arts. Ngayon lamang napagdesisyunan ni KC na pumasok sa larangang tinatahak din ng kanyang magulang dahil inuna niya ang pag-aaral sa ibang bansa.
Mukhang baguhan pa lamang si KC sa "showbusiness" ngunit sanay na siyang humarap sa kamera sapagkat simula pa ng bata siya ay naging bukas na libro ang kanyang buhay bilang isang anak ng mataas na artista.
Una siyang nakilala bilang isang aktres sa teatro at nagkaroon din siya ng maraming komersyal. Nabigyan din siya ng "I am KC" na tumalakay sa kanyang buhay sa ibang bansa noong panahong nag-aaral pa siya.
Ang mga pelikulang "For the First Time" at "When I met You" katambal si Richard Guttierez ang nagbukas sa kanya ng pinto upang lubusang mapakita ang talento at makilala ng maraming manunuod. Mukhang may narating na si KC subalit hindi pa rin niya nakakamit ang kagalingan ng kanyang mga magulang.
Sa isang site sa internet (Starmometer.com), si KC ay naging numero 4 na pinakamagandang Pilipina sa ating bansa.Siya rin ay naging nominado sa “Most Popular Loveteam” kasama si Richard Gutierez sa botohan na isinasagawa ng YES! Magazine taon-taon. Sa kasalukuyan, siya ay gumagawa ng bagong serye kasama si Piolo Pascual.

III. Kongklusiyon ng Pananaliksik
A. Kritikal na Pagsusuri
Batay sa mga pagsusuri ng mga tagasaliksik, marami silang impormasyong nakalap upang ipakita na marami sa industriya ngayon na sumisikat lamang dahil sa dalang pangalan. Hindi na isang ordinaryong isyu ng industriya ang palakasan dahil marami na ang nagpapasok ng kani-kanilang kamag-anak upang mabigyan ng agarang oportunidad.
Hindi lamang ang mga artistang nabanggit ang magaling ngunit isa sila sa mga nabigyan ng magandang pagkakataon sa showbiz. Sila ay isa sa pinakatanyag dahil sa angking talento at dahil na rin sa pangalan na ginawa nila sa larangan ng showbiz.Sa pangkalahatan, nakita ng mga manunulat na hindi lang ang lukso ng dugo ang kailangan sa pagpasok sa larangan ng pelikula at telebisyon.
Ang mahalaga ay ang pagpapakita ng lakas ng loob, dedikasyon, higit na kagustuhan at lubos na kagalingan upang magtagumpay sa karerang inaasam at pinapangarap.

B. Kongklusiyon
Natuklasan ng mga manunulat na tama ang kanilang panukalang pahayag na, ang mga artistang may mga kamag-anak na dating artista ay mas nabibigyan ng oportunidad. Dalawa ang sanhi nito, ang isa ay dahil may angking talento nga sila at ang isa naman ay dahil sila ay umaasa lamang sa kanilang kakabit na pangalan. Sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik na-ipakita nila na kung hindi man sa pag-aarte ang kanilang lakas, sa ibang larangan naman ng pag-eentertain sila mahusay.
C. Rekomendasyon
Sa panahon ngayon, sisikat ka lamang sa showbiz kung mayroon kang kapamilya na sikat na artista. Para sa may mga kamag-anak, patunayan niyo na karapat-dapat kayo sa mga proyekto na binibigay sa inyo. Na hindi lang kayo mga gwapo’t magaganda, may ‘K’ din kayo sa pag-aarte.
Ngunit sa mga walang kamag-anak na nag-aasam mag-artista, kailangan mong maghirap para mapansin at siyempre kailangan talaga na may maibubuga ka sa pag-aarte o sa pagpapatawa. Mas makakatulong kung maganda ang panlabas na kaanyuan mo. Pero tignan mo ang showbiz ngayon, tulad ni Ai-Ai Delas Alas at Pokwang, talento at kapal ng balat ang pinuhunan nila upang makahatak ng mga tagahanga. Mahalaga din ang kagandahan ng loob kahit saan ka man mapunta at kung ano man ang balak mo sa buhay.

SOURCES :
Pinoy Hot News
Philippine Entertainment Portal
Internet movie database
Celebritying.info
Pinoy exchange
Yes! Magazine February issue 2009
Starmometer.com
Wikipediaencyclopedia.com
Imbd.com
GAWA NINA:
JANNINE ARTUZ
LIZETTE MAGNO
ANTHONY MENDOZA
JANNINE ARTUZ
LIZETTE MAGNO
ANTHONY MENDOZA